Bakit UP?

(Embedded) Featured Photo: https://drive.google.com/open?id=1uOC0WtLTVBDhmZg8VLaQ5qIHKpYhEWM8

Sa kabila ng kahabaan ng trapiko, ng magulong lansangan, at bigat ng kinabukasan, minabuting kumuha ng UPCAT exam si Gyl. Kasama ang kuya at kanyang ina, hinarap ni Gyl ang isa sa mga tinuturing rite of passage ng mga kabataang Pilipino – ang UPCAT.

Ang kuya ni Gyl ay mag-aaral ng UP Los Baños, College of Forestry and Natural Resoruces. Para sa kanya, hindi madali ang mag-UP, lalo na sa UPLB. Una dahil malayo sa pamilya, at higit na mahirap ang Mathematics and Science courses sa campus na ito. Isa si Gyl sa mga tumitingala sa pamantasan bilang may maganda, maayos, at mataas na kalidad pagdating sa larangan ng edukasyon. Ang mga natatanging propesor at ang libreng tuition fee ay nakahimok din sa kanya, dahilan para subukan ang UP. Alam ni Gyl ang katakut-takot na sakripisyo na kakaharapin niya sa oras na maging kabilang siya sa mga bagong Iskolar ng Bayan, pero hindi ba’t normal ang pagsasakripisyo sa buhay? “Ang makapag-aral sa UP ay magiging malaking tulong hindi lang sa akin, kundi pati na rin sa aking pamilya dahil ang pag-aaral dito ay libre – iskolar ng bayan.”

Ang ina naman ni Gyl ay masigasig din sa pagsuporta sa kanyang anak. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng motibasyon at gabay, magkatuwang nilang tinataguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak. “Ayaw kong pagsisihan na hindi ko ginawa ang lahat ng makakaya ko para sa future ng mga anak ko, at ganoon din naman sila.” Dama ang pagkalinga at pagmamahala niya sa anak. “Ano man ang resulta, nandito lang kami lagi para sa kanya.”

Masaya at buong loob na umuwi ng Angono, Rizal ang mag-anak. Taas noong haharapin ang mga pagsubok upang makamtan ang pinapangarap na kinabukasan.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Design a site like this with WordPress.com
Get started