Pasko na naman at tanging hiling lang ng mga isko’t iska ay ang makauwi sa kani-kanilang tahanan upang makasama ang kanilang pamilya sa araw ng Pasko. Masisilayan nga natin ang mga ngiting umaabot sa tainga at ang pagkamangha sa mga mata ng mga dumalo sa pagpapailaw ng higanteng christmas tree sa UPLB. Ramdam na nga ng bawat isa ang pagkasabik sa pagsapit ng Pasko dahil sa dami ng dumalo at pagpapakuha ng mga litrato sa christmas tree, Belen, at sa maliit na tila parke na may fountain. Ang pagpapailaw sa christmas tree ay dinaluhan nina Jerry Racoa, ang OIRCA Director at Fernando C. Sanchez Jr., ang UPLB Chancellor. Nagbigay rin ng pagtatanghal ang sumusunod:
Sa paghahatid ng mga programang nagbibigay saya gamit ang mga talento sa musika ay ang UPLB Choral Ensemble kung saan umawit sila ng mga kantang pampasko at pati na rin si Dr. Antonio Jesus A. Quilloy na pinakitanggilas ang kaniyang kakayahan sa saxophone.
Sa Larangan naman ng sayaw, ang UPLB Street Dance Company ang humatak ng atensyon ng mga manonood sa kanilang hip hop presentation, at ang UPLB Filipiña Dance Troupe naman sa naggagandahang mga kasuotan habang ipinapakita ang kanilang talento sa tradisyonal na mga sayaw ng Filipino.
Panoorin ang aming presentasyon sa gabing nagbigay ng kasiyahan at kasabikan sa lahat.
https://drive.google.com/a/up.edu.ph/file/d/1XhJeZwrhHBXk3vwFauzBm1uXCfoIlhrN/view?usp=drivesdk
Gawa nina Eirine Baldovino, Charm Artiola at Angela Rufino