By: Eirine Baldovino, Charm Artiola and Angela Rufino
Tambak ka na ba ng mga papers? Madami ba ang pinapagawa ang mga professors? Ramdam mo na ba ang “hell week” na kinatatakutan ng lahat?
Stressed ka ba? Pagod na ba? Nakakatulog ka pa ba?
Ayos lang yan, ito ang ilan sa mga tips namin sa inyo kung paano magdi-stress/ estudyante style.
UNA. Madalas na paglalakad
Maraming lugar na maaaring pasyalan
dito sa ating unibersidad. Ang Freedom Park, sa IRRI na may naggagandahang mga tanawin, at pati na rin sa mga sidewalk ng bawat gusali ng iba’t ibang kolehiyo.
Maglaan tayo ng kahit sampung minutong paglalakad, mas masaya kung may kasama
IKALAWA. Idaan natin sa Pagkain
Subukan natin maghanap ng bagong makakainan— iba sa usual nating pinupuntahan.
Maraming masasarap na mapagkakainan sa elbi, mula bakery shops tulad ng Micha’s hanggang sa mga sulit na lutong bahay gaya ng Sweet Keish’s.
IKATLO. Gumala ng may kasama
Damit, gamit? Pambahay o pang-alis? Pang-eskwelahang mga materyal man yan o mga pampersonal, sa ukayan ng Los Baños natin sila mahahanapan!
IKAAPAT. Manood ng mga Pelikula
Sa huli, kung ang nais mo lang ang humiga sa kama at huwag umalis sa dormitoryo o sa bahay, isa sa mga tips namin sa’yo ay ang manood ng mga pelikula o mga videos sa ating mga cellphone
Mula sa mga nakakatawa hanggang sa mga katatakutan, maraming libreng movies lang diyan sa Facebook o sa Youtube
Halina’t panoorin ang aming video
https://drive.google.com/a/up.edu.ph/file/d/10WoqOaULAwBFmSVJRmNHxc1NvpzkpZSu/view?usp=drivesdk




